^

PM Sports

14 magigilas napili na ni Baldwin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging impresibo si Bobby Ray Parks, Jr. sa ensayo ng Gilas Pilipinas at sa tune-up game ng Nationals laban sa Iran noong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kaya naman imbes na matapos ang 81-70 panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Iran ihahayag dapat ni head coach Tab Baldwin ang Final 14 ay ipinagpaliban niya ito.

Kahapon ng umaga, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay pina-ngalanan ni team manager Butch Antonio ang 14 players na sasailalim sa isang 21-day training sa Europe bilang paghahanda sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa July 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Final 14 ay binubuo nina naturalized center Andray Blatche, June Mar Fajardo ng San Miguel, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Troy Rosario at Ryan Reyes ng Talk ‘N Text, Gabe Norwood at Jeff Chan ng Rain or Shine, Marc Pingris ng Star, Calvin Abueva ng Alaska, Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Barangay Ginebra, Terrence Romeo ng Globalport at Parks.

Tanging ang 6-foot-3 na si Parks, ang two-time UAAP MVP at naglaro sa nakaraang NBA D-League kamakailan, ang miyembro ng Gilas cadets na isinama ni Baldwin sa Last 14.

Dahil sa pagkakaroon naman ng bronchopneumonia ay hindi inilista ni Baldwin si San Miguel sniper Marcio Lassiter.

Sa naturang listahan kukunin ni Baldwin ang Final 12 at ang dalawang hindi mapipili ay magi-ging reserve players.

Sa tune-up game laban sa Iranians ay nakita ni Baldwin ang kinakaila-ngan nilang gawin para paghandaan ang Manila OQT, sasalihan din ng France, New Zealand, Canada, Senegal at Turkey.

“We just haven’t had a lot of time together, so both our weakness against the zone and our inability to adapt quickly really de-monstrates that we need time together. We need more games,” ani Baldwin.

Tutungo ngayon ang Nationals sa Greece at didiretso sa Turkey para sa kanilang training bago lumahok sa isang pocket tournament sa Italy.

Ang Manila OQT ang huling tsansa ng Pilipinas para makapitas ng tiket sa 2016  Olympic Games sa Rio de Janeiro Brazil sa Agosto. (RCadayona)

EMMANUEL FUELLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with