^

PM Sports

Ensayo ng Nationals isasara sa mga fans

Nelson Beltran - Pang-masa

MANILA, Philippines – Gusto nang itago ni coach Tab Baldwin sa so­cial media ang ginagawang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa 2016 FIBA Olympic Quali­­fying Tournament.

Kaya naman simula nga­yong araw ay magda­raos na sila ng closed-door practice session pa­ra hindi maisiwalat ang ka­nilang ensayo para sa Manila OQT na nakatakda sa July 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Now that we’ve got our team together, it’s time now to start restricting the flow of information from our practices,” sabi ni Baldwin kahapon matapos ang kanilang en­sayo sa Meralco Gym. “It’s always going to happen and that time has arrived now.”

Tuluyan nang sumama si naturalized player Andray Blatche sa team practice ng Nationals kasabay si Rain or Shine center Raymond Almazan.

Ang 6-foot-11 na si Blatche ay dumating sa bansa noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Baldwin na nag-aalala siya tungkol sa mga videos na ipinoposte ng mga fans at ng media sa social media na nauna nang pinapayagang ma­no­od sa practice venues.

Ayaw ni Baldwin na mapanood ng kanilang mga kalaban ang ginagawa nilang paghahanda sa Manila OQT.

“A lot of videos on pie­ces of our practices are showing up on Twitter. It cannot happen whether they come from the media or whether they come from those sitting at the stands,” wika ni Baldwin.

Labis na ikinadismaya ni Baldwin ang mga kumukuha ng kanilang vi­deo at inilalabas sa social media.

“It’s not an antagonistic situation. It’s a reality si­tuation that people sitting there can have their phones out and start ta­king videos. We don’t want all those clips sho­wing up,” dagdag pa nito.

Nauna nang ginawa ng Gilas ang kanilang closed-door practice sa Kerry’s Gym sa Shangri-La sa The Fort noong Sabado matapos ilunsad ang Nike apparel na gagamitin ng Gilas para sa Manila OQT.

Sa kanilang pagha­handa para sa FIBA Asia Championship noong nakaraang taon ay itinago ng Nationals ang kanilang ensayo sa Cebu.

Umaasa si Baldwin na mauunawaan siya ng mga fans ng Gilas Pilipinas.

 “I hope everyone un­der­stands and takes into consideration our position. We’re trying build a team that’s going to be successful in representing the country and we will do that intelligently,” wika pa nito.

Dahil sa pagkakaroon ng knee injury ni Paul Lee ay inialok ng Rain or Shine sa Gilas Pilipinas ang serbisyo ni Almazan sa kanilang ensayo.

Tutulong lamang ang 6’8 na si Almazan sa team practices dahil hindi siya kasama sa 24-man list na isinumite ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA.

BADJAO GIRL

PHOTOGRAPHY

VIRAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with