Mabigat ang laban ng Gilas --MVP
MIES - Aminado si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan na mabigat na kalaban ang kagrupong France at New Zealand.
Kaya naman ngayon pa lamang ay inaasahan na ni Pangilinan na makakapagparada si coach Tab Baldwin ng mala-kas na Gilas Pilipinas para sa group stage ng FIBA Olympic qualifiers sa Mall of Asia (MOA) Arena sa July 4-10 kung saan asam nilang magtapos bilang first o second placer para makapasok sa semifinals at mapalakas ang tsansang makalaro sa Rio Olympic Games.
Nakuha ni Gilas coach Tab Baldwin ang kanyang panalangin na huwag sanang makagrupo ng Gilas ang powerhouse Greece pero kailangang harapin ng Phl team ang World No. 5 France sa kanilang unang laro sa July 5 bago harapin ang New Zealand sa July 6.
“We’ve got strong teams in our group,” sabi ni Pangilinan. “We’ll have our hands full. We’d better start thinking of the best players we can get our hands on against these five formidable teams. This is going to be one hell of a ride for Gilas and our country.”
Nagsagawa ang FIBA ng isang modified draw sa House of Basketball at hinati sa tig-anim ang 18 participating teams sa tatlong qualifying tournaments.
Bukod sa Pilipinas, ang dalawa pang tumata-yong host countries ng Olympic qualifying ay ang Serbia at Italy.
“It’ll be a challenge for us to get through but with our Sixth Man, the world’s Most Valuable Fans, anything can happen,” wika ni SBP executive director Sonny Barrios na sumaksi sa draw. “Coach (Tab) wished Greece wouldn’t be in our tournament and luckily, he got his wish. But in the group stage, we’ll contend with France and New Zealand. If we make it to the semifinals, we’ll play either Canada or Turkey.”
Sinabi ni FIBA director of communications Patrick Koller na para makapasok ang Pilipinas sa Rio Olympics ay kailangan nitong talunin ang France, Turkey, New Zealand at Canada.
Bukod sa France at New Zealand, maglalaro dito sa Manila ang Turkey, Senegal at Canada na nasa Group A. Ang top two finishers sa bawat grupo ay uusad sa knockout semifinals sa July 9 at ang mga survivors ay maghaharap sa finals para paglabanan ang slot sa Rio Olympics sa July 10.
- Latest