MANILA, Philippines – Muling napigilan ng ang pagbagsak ng mga lobo ng Alaska nang kanilang itakas ang 86-73 panalo sa Game Five ng kanilang finals series na humantong sa overtime para muling buhayin ang kanilang pag-asa sa 2016 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Inilapit ng Beermen sa 2-3 ang kanilang best-of-seven championship series at may tsansang makapuwersa hatakin sa Game-7 ang serye.
Nauna nang kinuha ng San Miguel ang 110-104 overtime win sa Game Four noong Linggo para makaiwas sa tangkang sweep ng Alaska.
Ginulat ni coach Leo Austria ang Aces ni mentor Alex Compton nang ipasok si back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo sa huling 56.3 segundo sa first period sa unang pagkakataon matapos magkaroon ng hyperextended left knee injury sa kanilang semifinals showdown ng Rain or Shine Elasto Painters 12 araw na ang nakakalipas.
Ngunit ang sinandigan ng San Miguel ay si one-time PBA MVP Arwind Santos na humakot ng 22 points kabilang na ang isang basket na naglayo sa kanila sa Alaska sa 72-67 sa 2:27 minuto ng extra period.
Naitabla ni Dondon Hontiveros ang Aces sa 67-67 mula sa kanyang three-point shots sa huling 45.3 segundo patungo sa extension.
Isang free throw ni Fajardo, ang Best Player of the Conference kasunod ang dalawang foul shots ni Chris Ross at basket ni Santos ang naglayo sa Beermen sa 72-67 hanggang kunin ang komportableng 79-68 abante sa huling 1:03 minuto.
Nagdagdag si Santos ng 16 rebounds, 4 shotbocks at 3 steals para sa San Miguel habang nag-ambag si Fajardo ng 13 points at 4 boards.
SAN MIGUEL 86 - Santos 22, Fajardo 13, Cabagnot 12, Lassiter 11, Espinas 8, Ross 8, Lutz 6, De Ocampo 4, Reyes 1, Tubid 1, Arana 0, Heruela 0.
Alaska 73 - Manuel 25, Abueva 12, Banchero 10, Jazul 9, Thoss 4, Casio 3, Exciminiano 3, Hontiveros 3, Baguio 2, Menk 2, Baclao 0, Eman 0.
Quarterscores: 23-20, 36-36, 52-55, 67-67, 86-73.