Back-to-back win itinala ng Caida

MANILA, Philippines – Nanatiling walang talo ang Caida  matapos pasad-sarin ang AMA ,103-84  para pangunahan ang 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup na nagpatuloy kahapon sa Ynares Sports Arena.

Sa pagtutulungan nina top pick Jason Perkins atJonathan Grey, isang 22-6 run ang ginawa ng Tile Masters para tapusin ang laro.

“We were lucky that this was AMA’s first game and the first half was a learning process for them,” sabi ni Caida coach Caloy Garcia. “The nice thing is yung confidence ng players, hindi nawala and they worked hard for it.”

Sa ikalawang laro, pinasadsad din ng UP QRS/JAM Liner ang Tanduay, 102-86  para saluhan ang Caida sa liderato sa kanilang malinis na 2-0 record.

 

Show comments