Determinado ang Alaska na kunin ang titulo sa Game 5

MANILA, Philippines – Sinabi ni Alaska Milk coach Alex Compton na nawalang parang bula ang hangad nilang sweep laban sa San Miguel dahil sa “fundamental breakdown” na nagresulta sa mga breakaway lay-ups ng Beermen noong Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hangad sana ng Aces na magdiwang sa parehong venue kung saan nila inangkin ang ilang PBA titles noong 1990s.

Ngunit naisuko nila ang 104-110 overtime loss sa San Miguel sa Game Four ng Smart Bro PBA Philippine Cup Finals.

Muling maglalaban ang dalawang koponan bukas sa Smart Araneta Coliseum at muling pipilitin ng Aces na talunin ang Beermen para makopo ang korona.

“We’ve got to come back and be better,” wika ni Compton.

“Chris Ross getting layups killed us. It’s fundamental breakdown. It can’t happen. We have to be better,” dagdag pa nito.

Inaasahan ng Alaska bench chieftain na mas magiging determinado ang Beermen matapos ang dalawang araw na pahinga.

“I wish we could play them (the morning after Game Four) but we play them Wednesday. They will have their veteran players rested for Wednesday,” sabi ni Compton.

Kumbinsido si Compton na mas magiging palaban ang Beermen sa Game Five.

“It’s a series for a reason. Everybody was coming to me talking about sweep, sweep, sweep. I don’t know if you thought I was kidding but they’re such a tough team with a bunch of winners. It’s not easy to sweep anybody. It’s not going to be easy on Wednesday. I just want to try to come out of this championship series with the title,” ani Compton.

Maaari sanang natapos na ng Alaska ang serye kundi lamang nila pinakawalan ang 11-point lead sa fourth quarter.

Show comments