Roach hindi kakabahan kay Bradley
MANILA, Philippines – Paulit-ulit na sasabihin ni Freddie Roach, ang chief trainer ni Manny Pacquiao, na walang pagbabagong ipapakita si Timothy Bradley, Jr. sa Abril 9.
Ito ay sa kabila ng paghugot ni Bradley kay Teddy Atlas bilang bago niyang trainer kapalit ni Joel Diaz.
“Well, I don’t think Teddy Atlas brought anything out of him,” sabi ni Roach kay Bradley sa panayam ng Boxing Insider.
Muling maglalaban ang 37-anyos na si Pacquiao at ang 33-anyos na si Bradley sa ikatlong pagkakataon sa MGM Grand sa Las Vega.
Tinalo ni Bradley si Pacquiao sa pamamagitan ng kontrobersyal na split decision win noong Hunyo ng 2012.
Matapos ang dalawang taon ay niresbakan naman ni ‘Pacman’ si Bradley sa kanilang rematch.
Nanggaling si Pacquiao sa unanimous decision los skay Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo, habang umiskor naman si Bradley ng ninth-round TKO victory kay Brandon Rios.
Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank promotions na ibang Bradley ang makakasagupa ng Filipino world eight-division champion.
“I thought he fought an opponent (Rios) who’s fat and out of shape. I mean, you can’t really judge him on that fight,” wika ni Roach kay Bradley.
- Latest