Patuloy ang ‘miraculous’ recovery ni Odom

LOS ANGELES – Ipagpapatuloy ni da­ting basketball star Lamar Odom, natagpuang walang malay dahil sa drug overdose sa isang Nevada brothel, ang kan­yang ‘miraculous’ re­covery sa bagong rehab facility.

Ito ang pahayag ng kan­yang tiyahing si JaNean Mercer mula sa isang official statement.

“Your support has been paramount in hel­ping to uplift us during these past few difficult months,” wika ng pa­mil­ya ni Odom.

Patuloy na gumaganda ang kon­disyon ng two-time NBA champion na si Odom, nagdiwang ng kanyang ika-36 kaarawan sa ospital, sa mga nakaraang araw.

“We announce his tran­sition to the next stage of his miraculous recovery at a new faci­lity. Lamar continues to make remarkable strides and we are asking that you continue to respect our privacy,” wika ng kan­yang pamilya.

Naospital si Odom at inilagay sa isang life-supporting ventilator no­ong Oktubre nang ma­tagpuang walang ma­lay sa Love Ranch brothel sa labas ng Las Vegas.

Napatunayang umi­nom ang dating NBA small for­ward ng pi­nagsamang drugs at al­co­hol sa loob ng apat na araw.

Kaagad namang su­mugod ang kanyang asa­wang si reality television star Khloe Karda­shian sa ospital para ala­gaan si Odom.

Nagsampa si Karda­shian ng divorce kay Odom noong 2013 ma­tapos ang apat na taon ni­lang pagsasama.

Show comments