Bledsoe ooperahan sa tuhod

PHOENIX – Oope-rahan si Phoenix Suns guard Eric Bledsoe nitong Martes para ayusin ang napunit na meniscus sa kaliwang tuhod.

Sinabi ng Suns nitong Linggo na ang team orthopedic surgeon na si Dr. Tom Carter ang mag-oopera.

Nagka-injury si Bledsoe noong Sabado ng gabi sa pagkatalo ng Suns sa sariling balwarte kontra sa Philadelphia nang tila bumangga ito kay 76ers’ Robert Covington.

Si Bledsoe ay nag-a-average ng career highs na 20.4 points, 6.1 assists at 2.0 steals sa 31 games ngayong season, ang kanyang ikatlo sa Suns at ika-anim sa NBA.

Ang dating Kentucky star ay ‘di nakalaro noong 2013-14 season dahil sa pagrerekober mula sa ope-rasyon ng kanang tuhod.

Nasa ikalawang season na siya ng five-year, $70 million deal.

Apat na sunod na ang talo ng Suns para sa 12-20 record. Susunod nilang kalaban ang Cleveland sa kanilang sariling balwar-te noong Lunes ng gabi.

Show comments