Ika-2 panalo ng Philadelphia
PHOENIX – Pinitas ng Philadelphia 76ers ang kanilang ikalawang panalo sa kasalukuyang season matapos talunin ang Phoenix Suns, 111-104, sa likod ng 22 points ni Isaiah Canaan at 17 ni reserve Nik Stauskas.
Nagdagdag si Carl Landry ng 16 points para wakasan ng Philadelphia (2-30) ang kanilang 12-game losing slump para sa kanilang unang panalo matapos noong Dec. 1.
Pinigilan din ng 76ers ang kanilang 23-game road slide simula noong nakaraang season.
Tumipa si dating Suns guard Ish Smith, nakuha sa trade sa New Orleans Pelicans noong Christmas Eve, ng 14 points para sa kanyang starting role. Nagdagdag si Nerlens Noel ng 14 points at 11 rebounds.
Nagkaroon naman si Suns leading scorer Eric Bledsoe ng sprained left knee sa first half.
Ito ang ikaapat na sunod na kamalasan ng Suns at naipatalo ang anim sa huli nilang pitong laro.
Sa Portland, tumikada si Allen Crabbe ng career-high 26 points at nalimitahan ng Trail Blazers si LeBron James sa 12 points para talunin ang Cleveland Cavaliers, 105-76.
Umiskor si Crabbe ng 21 markers sa first half at tinulungan ang Portland (12-20) na tapusin ang kanilang five-game losing skid.
Nag-ambag si C.J. McCollum ng 16 points para sa Trail Blazers, samantalang kumolekta si Mason Plumlee ng 11 points at 14 rebounds.
Naimintis ni James ang una niyang apat na tira at umiskor lamang ng 6 points sa halftime at tuluyan nang ipinahinga sa fourth quarter.
Sa Dallas, naglista si guard J.J. Barea ng career-high na pitong 3-pointers at tumapos na may 26 points para tulungan ang Mave-ricks sa 118-111 panalo laban sa Chicago Bulls.
- Latest