2 windsurfers ng Israel umatras sa Malaysian event
KUALA LUMPUR, Malaysia — Tinanggap ng Malaysian government ang pag-atras ng dalawang Israeli windsurfers para sa idaraos na ISAF world youth sailing championships.
Sinabi ni Youth and Sports Minister Khairy Jamaluddin sa Malay Mail Online website na ang Malaysia, walang diplomatic relations sa Israel, “is guided by the existing policy of the Malaysian government.”
Sa Jerusalem, inihayag ng Israel Sailing Association na sina windsurfers Yoav Omer at Noy Drihan kasama si coach Meir Yaniv ay hindi sasali sa event na gagawin sa Langkawi dahil wala silang natatanggap na visa.
Ito rin ang inireklamo ni Amir Gill, ang chairman ng Israel association.
- Latest