SSC spikers nalo sa JRU

MANILA, Philippines - Hindi nakaapekto sa San Sebastian ang hindi pagko-coach ni Roger Gorayeb matapos payukurin ang Jose Rizal, 25-12, 25-16, 26-24, para makalapit sa isang silya sa Final Four ng 91st NCAA women’s volleyball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

Humataw si Grethcel Soltones ng match-best 21 hits kasama ang 18 spikes para kunin ng Lady Stags ang 6-0 record at palakasin ang tsansa sa pagkopo sa unang semis spot. Nahulog naman ang baraha ng Lady Bombers sa 3-4.

Si Gorayeb ay napatawan ng one-game suspension dahil sa kanyang unsportsmanlike conduct.

“We just executed the same game plan coach (Gorayeb) wants us to do,” sabi ni San Sebastian assistant coach Clint Malazo.

Sa men’s action, tinalo ng Letran ang San Beda, 25-19, 25-23, 23-25, 26-24, samantalang dinaig ng San Sebastian ang Jose Rizal, 25-23, 25-15, 25-22.

Show comments