MANILA, Philippines – Tinakasan ng Perpetual Help ang Lyceum of the Philippines University, 25-17, 23-25, 19-25, 25-18, 15-9, para mapanatili ang liderato sa 91st NCAA men’s volleyball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.
Nagpasabog si Rey Taneo, Jr. ng 17 hits, habang nagdagdag sina Ranidean Philippe Abcede at Allan Jay Salaan ng tig-14 points para sa pang-anim na sunod na arangkada ng Altas kasunod ang nagdedepensang Emilio Aguinaldo Generals na may 6-1 baraha.
Nagbida ang tatluhan nina Taneo, Abcede at Tanaan sa huling dalawang sets matapos makabangon ang Las Piñas-based school sa kabiguan sa second at third set.
Sa juniors’ action, dinomina ng nagtatanggol sa koronang Perpetual Help ang Lyceum, 25-10, 25-19, 25-17, para sa kanilang 4-0 baraha.
Sa women’s play, tinalo ng Perpetual Help ang Lyceum, 18-25, 25-20, 25-15, 14-25, 15-11.