PWU nagreyna sa WBL

MANILA, Philippines – Tuluyan nang pi­nag­reynahan ng Philippine Women’s University ang 25-years and Under division matapos ta­lunin ang Polytechnic University of the Philippines, 48-40, sa katatapos na 28th Women’s Basketball League na iti­nataguyod ng Milo sa Xavier School gym.

Muling bumandera si Most Valuable Player Charlene Camba para sa PWU at angkinin ang kampeonato ng 25-Under division.

Tinakasan naman ng Enderun Colleges ang University of Santo Tomas, 34-33, para pitasin ang third place.

Samantala, kabiguan ang ipinalasap ng Chiang Kai Shek College at St. Paul-Pasig sa De la Salle-Zobel School.

Pinatumba ng St. Paul-Pasig ang DLS-Z, 33-31, patungo sa pag-angkin sa 13-Under title ng torneong inorganisa ng multi-awarded Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa ilalim ni dating national coach Nic Jorge.

Dinaig ng Chiang Kai Shek College ang DLS-Z, 39-49, para ibulsa ang korona ng 17-Under Competitive class at dinurog naman ng New Era High School ang St. Stephen’s High School, 37-16, para kunin ang 17-Under Developmental title.

Show comments