CSB volleybelles sumosyo sa No. 2

MANILA, Philippines – Binalikan ng St. Benilde ang San Beda sa kanilang come-from-behind 24-26, 23-25, 25-12, 25-15, 15-10 victory para makisosyo sa nagdedepensang Arellano University sa second spot sa 91st NCAA women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Humataw si Jeanette Panaga ng 21 hits, ang 12 dito ay kills, bukod pa sa 6 blocks at 3 service aces para sa 4-1 baraha ng Lady Blazers katabla ang Lady Chiefs sa ilalim ng San Sebastian Lady Stags (5-0).

Sumuporta naman kay Panaga sina Janine Navarro at Ranya Musa sa kanilang 19 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.

Kinailangan ng St. Benilde na bumangon mula sa two-set deficit para kunin ang panalo laban sa San Beda.

Sa men’s play, tinalo ng Blazers ang Red Lions, 25-16, 23-25, 25-18, 25-21 habang giniba ng Red Cubs ang Junior Blazers, 25-15, 25-14, 25-23, sa juniors division.

Show comments