MANILA, Philippines – Sila-sila rin ang magpapanagpo sa Presidential Gold Cup na ilalarga sa Linggo sa obalo ng San La-zaro Leisure Park.
Sponsor ng naturang karera ang Philippine Charity Sweepstakes Office na naglaan ng P5-milyong premyo kung saan P3-milyon ang mapupunta sa kampeon.
Ilalarga sa distansiyang 2,000 meters, ang pa-ngunahing kontenders ay ang Low Profile, Hagdang Bato, Malaya, Pugad Lawin, Dixie Gold, Kanlaon, Penrith, Messi at Tap Dance.
Pagtutuunan ng pansin ang mga dadalhing handicap weights ng bawat kalahok. Ang many-time champion na Hagdang Bato ang magdadala ng pinakamabigat na 62 kilograms.
Kasunod nito ang Pugad Lawin sa 59 kilos; ang Low Profile ay magdadala ng 55 kilos gayundin ang Dixie Gold, Kanlaon, Messi, Tap Dance.
Puro class-A riders ang naka-assign sa mga kabayong ito na sina J.B. Hernandez (Hagdang Bato), M.A. Alvarez (Low Profile), K.B. Abobo sa Malaya, J.B. Guce sa Tap Dance, JPA Guce sa Pugad Lawin, Pat Dilema sa Dixie Gold, J.A. Guce sa Messie, Val Dilema sa Kanlaon at C.V. Garganta sa Penrith.
Itinuturing na pinaka-prestihiyosong pakarera sa buong taon itong Presidential Gold Cup pero dahil sa maraming beses na ring nagkakalaban ang mga kontenders ay marami rin ang nagsasabi na ito ay magiging anti-climactic lamang.