^

PM Sports

Lowry, Ross sinapawan si Kobe Bryant

Pang-masa

TORONTO – Nagsalpak si Kyle Lowry ng 27 points at nagdagdag si Terrence Ross ng 22 markers, habang kumolekta si Bismack Biyombo ng career-high na 15 points at 13 rebounds para tapusin ng Raptors ang kanilang three-game skid sa pamamagitan ng 102-93 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Sa kanyang pinakahuling NBA appearance sa Canada, tumipa si Kobe Bryant ng 8-of-16 fieldgoals shooting at tumapos na may 21 points para sa Lakers na winalis ng Raptors sa kanilang season series sa unang pagkakataon.

Sa tuwing mahahawakan ni Bryant ang bola ay hindi magkamayaw ang kanyang mga fans sa pagsigaw ng kanyang pangalan.

Lalong nag-ingay ang kanyang mga fans nang maipasok ni Bryant ang isang 3-pointer sa fourth quarter para sa paghahabol ng Lakers.

Tuluyan nang ipinahinga si Bryant sa natitirang 24.6 segundo na sinabayan ng standing ovation.

Sa Minneapolis, humakot si DeAndre Jordan ng 20 points, 12 rebounds at 4 blocks para tulungan ang Los Angeles Clippers na talunin ang Minnesota Timberwolves, 110-106.

Naglista naman si Blake Griffin ng 16 points at 11 rebounds, habang muling nagbalik si Chris Paul sa lineup matapos magpahinga sa kanilang nakaraang dalawang laro dahil sa rib injury.

ANG

BISMACK BIYOMBO

BLAKE GRIFFIN

BRYANT

CHRIS PAUL

KOBE BRYANT

KYLE LOWRY

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

MINNESOTA TIMBERWOLVES

SA MINNEAPOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with