^

PM Sports

Serena, iba pang tennis stars pinagkaguluhan din

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng mga tennis superstars ang lahat ng atensiyon sa  IPTL (International Premier Tennis League) welcome dinner sa bahay ni Philippine Mavericks’ co-owner Haresh Hiranand sa Dasmariñas Village, Makati noong Sabado ng gabi.

Ngunit nagningning ng husto si world No. 1 women’s tennis player Serena Williams nang dumating kasama ang iba pang players para sa three-day Manila leg ng IPTL second season na nagsimula na kagabi sa Mall of Asia (MOA) Arena.

Sa pagbubukas ng aksiyon noong Linggo, pinangunahan ni  Nick Kyrgios ng Australia ang Singapore Slammers sa kanilang 29-20 panalo kontra sa Japan Warriors.

Nanalo ang 20-gulang na si Kyrgios sa kanyang singles match kontra kay Philip Kohlschreiber, 6-5, at bumalik sa court para ibigay sa Slammers ang 6-3 panalo sa mixed doubles event katuwang si Belinda Bencic  laban kina Leander Paes at Mirjana Lucic-Baroni para sa  2-2  record ng Slammers.

Ang Warriors, pinakabagong team sa IPTL ay hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang tatlong laro sa Japan leg.

Sinimulan ni Carlos Moya ang kampanya ng Slammers sa pamamagitan ng 6-4 panalo laban kay Marat Safin sa legends singles bago namayani si Belinda Bencic sa women’s singles, 6-2 kay Kurumi Nara at Baroni, isang late substitute.

Ang tanging puntos ng Warriors sa labang ito ay ga-ling kina Paes at Pierre Hugues Herbert na nanalo kina Dustin Brown at Marcelo Melo sa mixed doubles, 6-5.

ANG

ANG WARRIORS

BELINDA BENCIC

CARLOS MOYA

DUSTIN BROWN

HARESH HIRANAND

INTERNATIONAL PREMIER TENNIS LEAGUE

JAPAN WARRIORS

KURUMI NARA

LEANDER PAES

MALL OF ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with