MANILA, Philippines – Kung sinuportahan pa rin si Serena Williams ng mga Pinoy fans kahit nag-laro siya para sa kalaban, ano pa kaya kung lalaro na siya para sa Philippine Mavericks?
“I’m excited,” sabi ng 21-time Grand Slam champion na sabik nang lumaro sa Manila leg ng 2015 International Premier Tennis League sa world-class na MOA Arena.
Dumating dito sa bansa si Williams noong nakaraang taon para sa IPTL at lumaro para sa Singapore Slammers.
“The reception of the crowd is amazing. You’re so nice. Thank you all,” sabi ng 34-gulang na si Williams bago lumabas ng court noong nakaraang taon.
Paglabas pa lamang niya sa court para mag- warm up bilang pagha-handa sa kanyang laban, nagsigawan na agad ang crowd. Sa bawat puntos ni Williams ay nagpapa-lakpakan ang crowd.
Ngayong gabi ay muli niyang makakaharap ang kanyang mga Filipino fans para pangunahan ang Mavericks na sasagupa sa UAE Royals sa alas-7:30 ng gabi matapos ang isa ring kapana-panabik na laban ng Japan Warriors at Singapore Slammers na magsisimula sa alas-4:00 ng hapon.
Bukod kay Williams, lalaro din si Philippoussis Fil-American Treat Huey, Milos Raonic, Richard Gasquet, Jarmila Gajdosova, Alja Tomljanovic at Edouard Roger-Vasselin na dumating lahat kagabi mula sa Japan.
Ang Indian Aces na pangungunahan ni Spa-nish clay-court king Rafael Nadal ay bukas pa sasalang kontra sa UAE Royals.