Charity race para sa Samahang Plaridel
MANILA, Philippines – Tampok na karera ang charity race na inisponsoran ng Philippine Racing Commission para sa Association of the Philippine Journalists, (Samahang Plaridel Foundation, Inc.).
Ang mga kabayong kasali sa karera ay nasa mababang grupo lamang para masiguro na matutuloy ang laban at hindi na poproblemahin ang mga kalahok.
Kasali ang mga kabayong Royal Key, Epira, Touch Of Class, Red Pocket, Chuchinelli, The Flyer, Fernando, Chanson D’Or, Mapaghinala, Sir Bonjing at Bagong Barrio.
Naghihintay ang P180,000 sa mananalo sa distansiyang 1,400 meters na lalarga sa alas-4:30 ng hapon na siyang unang race para sa second take all.
Mga baguhang kabayo na may edad dalawang taon ang nakalinya sa unang karera. Ang mga laban ay para sa trifecta, quartet at super six at 14 ang kalahok rito.
Kabilang sa mga maiden entries ay ang Security Chief, Unbroken, Humuhumu Nukunuku, Beautiful Lady, Aliman, Dream Weaver, Pax Romana, Gil’s Angel, Absolute Resistance, King’s Guard, Cecillia, Archer Queen at Swoosh.
May inaabangan ding carry over na P23,418.08 para sa pentafecta na mangyayari sa ika-anim na karera sa ganap na alas-5:00 ng hapon.
Walo ang nakasama rito na kinabibilangan ng Big Deal, The Expert, Corragioso, Batang Rosario, Princess Tion, Wood Ridge, Samantha’s Best at Boy’s Of Meadows.
Mayroon pang tatlong karerang nakahanda para sa pentafecta rin kung sakaling magkaroon ng panibagong carry over.
- Latest