Si Robert Non muna ang PBA CEO

MANILA, Philippines – Si PBA board chairman Robert Non ang pansamantalang aakto bilang league president/CEO matapos itong bitawan ni Chito Salud.

Ito ang paglilinaw kahapon ng PBA at idinagdag na sasaluhin ni Non ang naturang posisyon nang walang makukuhang kompensasyon.

Ayon sa pro league, magiging pansamantala ang gagawing trabaho ni Non hangga’t wala pa silang nakukuhang kapalit ni Salud, nagbitiw sa kanyang puwesto noong nakaraang Martes.

Ang nasabing posis-yon ay inialok kina dating PBA chairman Patrick Gregorio at vice chairman Erick Arejola.

“The vice chairman declined, saying he’s very busy. Mr. Gregorio, meanwhile, said he can’t make an answer right away as he’s also busy,” sabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial.

Dahil wala kina Gregorio at Arejola ang gustong sumalo sa trabaho ni Salud ay si Non ang napagkaisahan ng PBA Board na pansamantalang umakto bilang president/CEO.

“There are netizens reacting why from San Miguel again? Mr. Gregorio himself has said it’s not about the personality. It’s based on the structure,” dagdag pa ni Marcial.

Nauna nang pinakiusapan ni Non si Salud na ikunsidera ang kanyang pagbibitiw. “I talked to him Tuesday asking him if he can stay on until the end of the season and, later on, until the end of the all-Filipino tourney. But he’s really decided. Sabi nya pagbigyan ko naman daw siya,” ani Non.

Ang pagbibitiw ni Salud ay sinasabing dahil sa nawalan siya ng papel sa PBA matapos mahirang si Chito Narvasa bilang PBA Commissioner.

Show comments