Foton, Petron magpapatibayan

LARO NGAYON

(Cuneta Astrodome)

1 p.m. -- Petron vs Foton (Game 3, Finals)

 

MANILA, Philippines – Isang hitik sa aksyon at dramatikong laro ang matutunghayan sa salpukan ng Petron at Foton sa ‘winner-take-all’ Game 3 ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three finals showdown ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Pag-aagawan ng Blaze Spikers at ng Tornadoes ang korona sa ganap na alauna ng hapon na inaasahang dudumugin ng mga volleyball fans para mapanood ang world-class women’s volleyball action ng inter-club tournament na inihahandog ng Asics katuwang ang Milo, Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.

Target ng Petron ang kanilang ‘Grand Slam’ at muling aasa kina Aby Marañ    o, Rachel Ann Daquis, Jen Reyes at Dindin Manabat katulong sina Brazilians Rupia Inck at Erika Adachi.

Itatapat naman ng Foton sina American imports Lindsay Stalzer at Katie Messing katuwang si national team stalwart Jaja Manabat.

Inangkin ng Tornadoes ang Game One, 14-25, 25-21, 25-19, 25-22, bago nakabawi ang Blaze Spikers sa Game Two, 25-13, 25-21, 23-25, 26-24 para itabla ang kanilang serye sa 1-1 at itulak ang ‘rubber match’.

“Game 3 is not just an ordinary game,” sabi ni Petron coach George Pascua. “Whoever has the desire and the fighting heart will win the crown. Game 3 is where heroes are born.”

Idinagdag pa ni Pascua na dapat nilang sagpangin ang anumang pagkaka-taon ibibigay sa kanila ng Foton sa Game Three.

“We have to seize the opportunity and unleash all our weapons to make sure that we will be the last team standing. Nandito na kami. Ilalabas na namin lahat ng pwedeng ilabas.”

Isang mapanganib na karibal ang Tornadoes matapos sibakin ang top seed Philips Gold sa semifinals.

“But expect a different story in Game 3,” wika ni Foton coach Villet Ponce-de Leon. “We will put special premium on defense.

Show comments