MANILA, Philippines – Sa walong karera nga-yong gabi, puwedeng maipagpalagay na mini-stakes race itong ikalawang karera.
Handicap-9/10 merged ang kasali rito na kinabibilangan ng Gentle Strength, Eurasian, King Bull at Biseng Bise. Isinama sa mga imported runners na Glitter Face, Divine at Romilia.
Sinisilip na rito ang tatluhang labanan ng Gentle Strength na sasakyan ni Jonathan B. Hernandez, Eurasian na rerendahan ni Rodeo G. Fernandez, Biseng Bise na gagabayan ni Mark A. Alvarez at maging ang King Bull na patatakbuhin ni Dodong Villegas.
Ang mga dehadista naman ay mag-aabang ng pagsalikwat sinuman sa mga thoroughbreds na Romilia ni J.D. Juco, Divine ni R.O. Niu Jr., at Glitter Face ni JPA Guce.
Itong si Thermal Break na dadalhin ni M.A. Alvarez ay nakalinya naman sa isang class division-2 winners at nakahalo sa division-3. Ang Golden Sphinx, Yes I Can, Watershed, Director’s Dona at Snake Queen ang mga kalaban.
Magkasama naman sa class division-1 ang dalawa pang stakes campaigner na sina Dixie Storm na patatakbuhin ni V.M. Camañero Jr., at Cinderella Kid ni C.P. Henson. Pero nakaabang ang Apo na dadalhin ni K.B. Abobo.
Sa mga baguhang kabayong may edad na dalawang taon ay naririyan naman ang Yes Kitty, Razzle Dazzle, Snow Monkey, Lu Fei, Hook And Rules, Ora Et Labora, Leave It To Me, Director’s Ledgold at Gifted Pal. Sa labanang ito ay angat ang Yes Kitty na igigiya ni R.G. Fernandez.