^

PM Sports

‘Winner-take-all’ pinuwersa ng Petron

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa handang isuko ng Petron ang kanilang korona.

Binalikan ng Blaze Spi­­kers ang Foton Torna­does sa Game Two nang ilista ang 25-13, 25-21, 23-25, 26-24 panalo sa ka­nilang Philippine Su­per Liga Grand Prix champion­ship series ka­ha­pon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagpasabog si Brazi­lian import Rupia Inck ng 25 points, habang nagdag­dag sina Aby Maraño at Din­din Santiago-Manabat ng tig-16 markers para sa Petron at itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three ti­tular showdown ng Foton.

Binuhay ng Blaze Spi­kers, pinigilan ang pagba­ngon ng Tornadoes sa fourth set, ang kanilang ha­ngaring makamit ang ‘Grand Slam’.

“We banked on our cham­pionship experience. Malaking bagay ‘yun lalo na nung dikitan na ang labanan. Iba din talaga ang may experience, lalo na sa mga beterano. Hindi sila sumuko,” sabi ni coach George Pascua.

Nagdagdag si libero Jen Reyes ng 25 excellent digs.

Pag-aagawan ng Petron at Foton ang korona sa Sabado sa Cuneta As­tro­dome.

Muling binanderahan ni American import Lindsay Stalzer, ang Tor­nadoes sa kanyang 23 points, samantalang nag-ambag sina Kathleen Messing at Jaja Santiago ng tig-11 points.

Iniwanan ng Foton ang Petron sa 23-24 sa fourth set bago angkinin ng Blaze Spikers ang hu­ling tatlong laro.

Nang maitabla ni Inck ang laro sa 24-24 ay pini­gilan naman ni Santiago-Manabat si Stalzer sa open­sa ng Tornadoes.

ABY MARA

ACIRC

ANG

BLAZE SPI

BLAZE SPIKERS

CUNETA AS

CUNETA ASTRODOME

FOTON

FOTON TORNA

PETRON

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with