NU-BDO, Phoenix sa D-League
MANILA, Philippines – Magbabalik ang National University-BDO at magpapakilala ang Phoenix Petroleum sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup.
Makakasama ng NU-BDO ang Phoenix ang pito pang koponan sa liga.
Ang mga ito ay ang Foundation Cup champion na Café France, Racal Motors, Tanduay Light, AMA, Mindanao Aguilas, Wangs Basketball at Jam Liner na magpaparada sa mga players ng University of the Philippines Fighting Maroons.
Hindi naman sumali ang 2014 Foundation Cup titlist na Hapee, Cebuana Lhuillier at ang Cagayan Valley.
Sa kanilang pagbabalik sa PBA D-League ay muling itatampok ng NU-BDO ang mga NU Bulldogs.
- Latest