MANILA, Philippines – Halos nakalaro na sa lahat ng lugar sa bansa, dadalhin naman ang taunang PBA All-Star Stars sa Dubai, United Arab Emi-rates sa susunod na taon.
Sinabi ni PBA business development director Rhose Montreal na nakipagkasundo na sila sa isang Dubai organizing group para sa pagdaraos ng 2016 PBA All-Star event sa UAE capital city sa March 4-6, 2016.
Tuwing naglalaro ang PBA sa Dubai ay dumadagsa ang mga Filipino workers para panoorin ang kanilang mga iniidolong players.
Kamakailan ay nagtungo ang Alaska Milk, Mahindra at Barangay Ginebra sa Dubai kung saan nilabanan ng Aces ang Enforcers at ang Gin Kings sa official game ng 2015 PBA Philippine Cup.
May matibay na relas-yon na ang PBA at ang organizing partner na Clique Events Co.
Ang Dubai event ay isa na namang karangalan sa PBA na nasa ika-41 season.
Ito ang magiging unang PBA All-Stars sa ilalim ni Commissioner Chito Narvasa.
Sa loob ng dalawang dekada ay isinasagawa ng PBA ang All-Star festivities na nagbibgay ng pagkakataon sa mga fans na makihalubilo sa mga league stars sa nasabing annual event.
Inilunsad ang PBA All-Stars sa Cebu noong 1998.
Matapos ito ay dinala ang PBA All Stars sa Iloilo noong 2000, sa Cebu (2004), Laoag (2005), Cagayan de Oro (2006), Baguio (2007), Bacolod (2008), Panabo City at Victorias City (2009), Puerto Princesa (2010), Boracay (2011), Laoag (2012), Digos City (2013) at sa Puerto Princesa (2014).