Foton at Petron itinakda ang kanilang championship series

MANILA, Philippines – Si American import Lindsay Stalzer ang bu­­mandera, habang si lo­cal star Jaja Santiago ang tumapos ng laban.

Nagtuwang sina Stal­zer at Santiago para aka­yin ang No. 4 Foton sa 25-18, 26-24, 18-25, 20-25, 15-8 pagpapatalsik sa top seed ng Phi­lips Gold para angki­nin ang finals ticket ng 2015 Philip­pine Su­per­li­ga (PSL) Grand Prix women’s vol­leyball tournament ka­gabi sa The Arena sa San Juan.

Lalabanan ng Tornadoes ang nagdedepensang Petron Blaze Spi­kers, dinaig ang Cignal HD Spikers sa ikala­wang laro, 25-20, 26-24, 20-25, 25-13, sa best-of-three champion­ship se­ries simula sa Lu­nes.

Kumayod si Stalzer, dating pambato ng Bradley University at ku­mampanya para sa Cig­nal sa nakaraang sea­son-ending confe­rence, ng 26 kills at 3 blocks para tumapos na may team-high na 29 points sa inter-club tournament na inihahandog ng Asics katuwang ang Milo, Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical sponsors at TV5 bilang official broadcaster.

“She is a seasoned pla­yer. She is my captain inside the court and she knows the game ve­ry well,” sabi ni Tor­nadoes’ coach Villet Pon­ce-de Leon kay Stal­zer.

Humataw si Stalzer ng 7 points sa fifth set kasabay ng ilang krus­yal na errors ng Philips Gold.

Tumapos naman si San­tiago na may 15 points, habang may 13 mar­kers si import Katie Messing para sa Foton.

Nakabawi ang Lady Slammers sa 0-2 pagkakalubog sa unang da­lawang set nang mag-init sina dating UCLA star Bojana Todorovic. Alexis Olgard at Myla Pablo para agawin ang third at fourth sets at ma­kapuwersa ng fifth set.

Itinala ng Foton ang 8-4 kalamangan, habang nakagawa ng apat na errors si Todorovic sa naitalang lima ng Phi­lips Gold.

Tuluyan nang sinel­yu­han ni Santiago ang pa­nalo ng Tornadoes sa pa­mamagitan ng kanyang running attack.

Umiskor si Todorovic ng 31 points, habang may 19 hits si Olgard pa­­ra sa Lady Slammers.

Show comments