Cignal target ang unang Finals seat

MANILA, Philippines – Pupuntiryahin ng Cignal ang unang finals berth sa pakikipagtuos sa PLDT Home Ultera sa Spi­kers’ Turf Season 1 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang upakan ng dalawang koponan nga­­yong ala-1 ng hapon.

Nagtapos na magkatabla ang HD Spikers at ang Air Force sa magkatulad nilang 4-1 karta sa single round elims ngunit nalaglag sa No. 2 see­ding matapos ang tiebreak.

Bitbit ng Cignal ang ‘twce-to-beat’ advantage.

Show comments