Mga 2YO kabayo magpapasiklaban

MANILA, Philippines – Magpapasikatan uli ang mga edad dalawang taong gulang na mga kabayo sa pagtakbo ng mga ito sa PCSO Special Maiden Race sa Nobyembre 14 sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Nasa 11 kabayo ang magsusukatan sa 1,200-metro distansyang karera na handog ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang mga maglalaban-laban at kanilang mga hinete ay ang Dance Again (P. Dilema), Queen Cheetah (JB Cordova), Love Hate (CV Garganta), Guatemala (RO Niu Jr.), Johnny Be Good (JA Guce),  Show The Cash (JB Bacaycay), Tagapagmana (AB Alcasid Jr.) , Nothing But Dtruth (EP Nahilat), Absoluteresistance (JB Guce), My Destiny (JB Hernandez) at Eagle One (KB Abobo).

Nasa P600,000.00 din ang unang gantimpala habang ang breeder ng kabayo ay mayroong P50,000.00 premyo.

Ang papangalawa ay mayroong P225,000.00, ang papangatlo ay may P125,000.00 habang P50,000.00 ang tatanggapin ng connections ng papang-apat sa datingan.

Samantala, nanguna ang Katniss sa 2YO Maiden Race noong Miyerkules ng gabi sa pista na matatagpuan sa Malvar, Batangas.

Sa 1,200-metro ang distansya ng karera at agad na kinuha ng Katniss ang liderato sa hanay ng pitong kabayo pero anim lamang ang opisyal na bilang dahil sa pagtakbo ng isang couple entry.

Nakasabay pa ang Dream Weaver, Security Might at Dream Weaver pero hindi natinag ang outstanding favorite na kabayong sakay ni Fernando Raquel Jr.

Sa pagpasok ng rekta ay ang Security Might na hawak ni Kevin Abobo, ang siyang nakatutok ngunit ginamitan ni Raquel ng latigo ang sakay para tumulin na ito at nagwagi nang halos dalawang dipa.

 Nametahan ng Aliman na ginabayan ni Pat Dilema, ang Security Might para pumangalawa pa sa karera.

Nagkamit ang handlers ng Katniss ng P10,000.00  dagdag gatimpala habang balik-taya ang nangyari sa win. Ang 1-2 forecast ay mayroong P10.00 dibidendo.

Show comments