^

PM Sports

Semis slot target ng Air Force

Pang-masa

MANILA, Philippines – Unang upuan sa semifinals ang target ng Air Force Airmen sa pagharap sa  Sta. Elena Wrecking Ball sa pagbabalik-aksyon ng Spikers’ Turf Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magsisimula ito sa ganap na alauna ng hapon at pang-apat na sunod na panalo ang mahahagip ng Airmen upang makapuwesto na sa susunod na yugto ng kompetisyon sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Nagpahinga ang liga ng siyam na araw at sisikapin ng Air Force na ipakita ang dating mabangis na porma na siyang dahilan kung bakit sila nagwagi sa Instituto Estetico Manila Volley Masters, Cignal HD Spikers at Navy Sailors.

Sa kabilang banda, nais ng Sta. Elena ang mailista ang ikalawang panalo matapos ang apat na laro para pagtibayin ang paghahabol ng upuan sa semifinals.

Nasa ikaapat na puwesto ang koponan pero kasalo nila ang Open Conference champion na PLDT Home Ultera Fast Spikers.

Sina Alnasip Laja, Rocky Honrade at Myco Antonio ang sasandalan ng Sta. Elena para tapatan ang galing nina Rodolfo Labrador, Ruben Inaudito at Reyson Fuentes ng Air Force.

Ang PLDT ay sasalang sa aksyon sa ikalawang laro dakong alas-3 laban sa Navy habang ang Cignal at IEM ang magtutuos sa huling laro dakong alas-5 ng hapon.

Sasandalan ng PLDT ang four-set panalo na naiposte sa  IEM para magkaroon ng back-to-back wins sa huling conference sa 2015. (AT)

AIR FORCE

AIR FORCE AIRMEN

ANG

CIGNAL

ELENA

ELENA WRECKING BALL

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST SPIKERS

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

MYCO ANTONIO

NAVY SAILORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with