Iinit ang Final 4 ng women’s basketball

MANILA, Philippines - Iinit ang tagisan sa pagbabalik ng aksyon sa 78th UAAP women’s basketball bukas dahil mag­tu­tuos ang mga koponang naghahabol pa ng puwesto sa Final Four.

Ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs (10-0) at La Salle Lady Archers (9-1) ang mga koponang pasok na sa semifinals at ang Lady Bulldogs ay nakatiyak na rin ng ‘twice-to-beat’ ad­vantage kung hindi makukumpleto ang 14-0 sweep sa double round elimination.

Huling panalo ng NU ay nakuha laban sa Adam­son, 75-49, para lumawig na rin sa 28-game ang kanilang pagpapanalo na nagsimula noong nakaraang taon.

Ang UST Tigresses ang nasa ikatlong puwesto sa 5-5 baraha, habang ang iba pang kasali at ang ka­nilang records ay Ateneo Lady Eagles (4-6), UE La­dy Warriors (4-6), Adamson Lady Falcons (3-7), UP Lady Maroons (3-7) at FEU Lady Tamaraws (2-8).

Apat pang laro ang haharapin ng walong kopo­nan kaya’t wala pang napapatalsik sa kompetis­yon.

 

Show comments