MANILA, Philippines - Nakatakdang simulan ni Olympian Arturo Valenzona, sa pamamagitan ng isang foundation na ipinangalan sa kanya at mga kaibigan niya sa basketball, ang paghahanap sa mga malalaking players sa Sabado sa Paraiso Ng Batang Maynila covered court sa tapat ng Manila Zoo sa Adriatico St. sa Ermita.
Higit sa 200 bata na karamihan ay mula sa Maynila na may edad 8-anyos hanggang 18-anyos ang inaasahang lalahok sa clinic na tinawag ni Valenzona na ‘Big Men’s Camp’.
Ang clinic na idaraos tuwing Sabado at Linggo ay libre sa mga bata.
“Actually, the project is a basketball clinic for grassroot level for kids, pero magkakaroon ng special concentration in search of tall boys which we hope to develop to play for college, then to the pro-rank para maging career nila eventually,” sabi ni Valenzona, isang dating player at isa sa dalawang Filipino coaches na humawak sa collegiate, commercial at pro-levels.
Para sa mga interesadong sumali sa clinic ay maaaring tumawag sa 0916 443 6100, 0929 214 8234, 0922 461 6503.