Batang Gilas yumukod sa Koreans

MANILA, Philippines - Nakabangon ang Ba­tang Gilas mula sa 10-point deficit sa fourth quar­ter ngunit kinapos sa dulo at isinuko ang 74-77 kabiguan sa South Korea sa FIBA-Asia Under-16 Championship sa Jakarta, Indonesia.

Ito ang unang kabigu­an ng Nationals sa torneo matapos ang tatlong sunod na panalo.

Isasara ng batang Gilas ang elimination round sa pagsagupa sa China, umis­kor ng 91-28 paglampaso sa Thailand para sa ka­nilang 4-0 record.

Mula sa 57-67 agwat ay nakabalik sa laro ang Na­tionals matapos makadikit sa 72-73 agwat sa huling 2:13 minuto ng final canto mula sa jumper ni Jonas Tibayan.

Ngunit nagsalpak si Lee Hyunjung ng tres pa­ra muling ilayo ang Koreans sa 76-72 sa huling 1:12 minuto.

Huling nakalapit ang Ba­tang Gilas sa 74-76 bu­hat sa basket ni Jason Cre­do sa natitirang 10 segundo.

 

Show comments