Accel-PBA Press Corps Player of the week Stanley Pringle - Globalport

Stanley Pringle

MANILA, Philippines - Bagama’t kakampi si Gilas Pilipinas guard Terrence Romeo, wala sa isip ni 2015 No. 1 overall pick Stanley Pringle na makipagsapawan.

Ito ang pagpuri ni Globalport coach Pido Jaren­cio kay Pringle.

“Ang maganda kasi kay Stan, he’s all-out pag pumasok na sa court. And para sa kanya, walang sa­pawan though lagi ko naman nire-remind sa team na pagnanalo tayo, sama-sama tayo dito, at ganun din kapag natalo tayo,” wika ni Jarencio.

Sa 101-94 panalo ng Batang Pier laban sa Star Hot­shots noong nakaraang Biyernes ay bumanat ang 28-anyos na si Pringle ng 23 points, 5 assists at 4 rebounds.

Sapat na ito para hirangin ang Fil-American guard bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Inungusan ni Pringle sina NLEX small forward Sean Anthony at Alaska power forward Vic Ma­nuel para sa weekly honor.

Ang magandang ipinapakita ni Pringle ay dahil sa kanyang eksperyensa sa paglalaro sa Belgium, Poland, Ukraine at sa Asean Basketball League.

Umaasa si Jarencio na maipagpapatuloy ni Pringle ang kanyang magandang laro laban sa Ba­rako Bull sa Linggo.

 

Show comments