^

PM Sports

Team Visayas muling nagkampeon sa Milo Little Olympics National Finals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong taon ang hi­nintay ng Team Visayas bago muling makamit ang overall champions ng nakaraang 2015 Milo Little Olympics Natio­nal Finals.

Nag-agawan para sa gintong medalya ang hi­git sa 1,200 atleta na ku­matawan sa kanilang mga paaralan sa natu­rang  three-day event na idinaos sa Sta. Cruz, La­guna.

Ang mga sports events na inilatag ay ang athletics, badminton, bas­ketball, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, sepak takraw at scrabble.

Matapos magkampeon sa national finals ng tatlong sunod na ta­on noong 2009, 2010 at 2011 ay isinuko ng Team Visayas ang korona sa Team NCR-South Luzon na nagdomina noong 2012, 2013 at 20­14.

Inungusan ng Team Visayas ang Team NCR-South Luzon ng 2.5 overall championship points.

Isinalang ng Team Visayas ang kanilang mga student-athletes mu­la sa Iloilo, Bohol, Du­maguete, Aklan, Ca­piz, Rojas, Guimaras at Antique at tumapos na may kabuuang 577 overall championship points.

Pumangalawa naman ang Team NCR-South Luzon (574.5) kasunod ang Mindanao (422) at North-Central Luzon (316.5).

Sa secondary division, nanguna ang mga Bis­daks sa individual at team sports kagaya ng football, volleyball, taekwondo, badminton at chess.

Inangkin ng Team Vi­­sayas ang top spot sa kinolektang 306.5 points sa itaas ng NCR-South Luzon (295.5), Min­danao (196.5) at North-Central Luzon (149.5).

Sa elementary division, nanguna naman ang NCR-South Luzon sa athletics, badminton, sepak takraw, table tennis at volleyball para sa kabuuang 279.5 points kasunod ang Team Visayas (270.5), Minda­nao (225.5) at North-Cen­­tral Luzon (167).

Kabuuang 23 records ang nabasag, habang 14 bagong marka ang inilista sa athletics at siyam sa swimming.

“We at Milo would like to congratulate all our little champions who have shown great dedication and excellence in their sports. You have truly made all of us proud,” sabi ni Robbie De Vera, ang Milo Sports Executive, sa mga nanalo.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

LUZON

MILO LITTLE OLYMPICS NATIO

MILO SPORTS EXECUTIVE

NORTH-CENTRAL LUZON

ROBBIE DE VERA

SHY

SOUTH LUZON

TEAM

TEAM VISAYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with