Energy nakalusot laban sa Gin Kings
MANILA, Philippines – Nang magtayo ng 21-point lead sa opening period ay kaagad nagdiwang ang Barangay Ginebra.
Ngunit hindi sumuko ang Barako Bull.
Sumandal kina JC Intal, RR Garcia at Chico Lanete sa second half, binalikan ng Energy ang Gin Kings, 82-79, para kunin ang una nilang panalo sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“All the teams are really pumped up when they face a team like Ginebra,” sabi ni coach Koy Banal, nakahugot ng 22 points kay Intal at 16 kay Garcia. “I give credit to the players. They really prepared themselves emotionally and psychologically.”
Ang tres ni Sol Mercado ang nagbigay sa Ginebra ng 27-6 kalamangan sa first quarter bago nakatabla ang Barako Bull sa pagtatapos ng third period, 57-57, mula sa split ni Mac Baracael sa huling 2.4 segundo.
Huling nahawakan ng Gin Kings ang unahan sa 73-68 mula sa dalawang free throws ni seven footer Greg Slaughter sa huling apat na minuto ng laro.
Isang 12-0 atake, tampok ang dalawang tres nina Garcia at Mic Pennisi, ang nagbigay sa Energy ng eight-point lead, 80-73, sa huling 1:46 minuto.
Nagsalpak naman sina Mercado at LA Tenorio ng dalawang sunod na triples para idikit ang Ginebra sa 79-80 sa nalalabing 12 segundo kasunod ang dalawang charities ni Garcia sa huling walong segundo para muling ilayo ang Barako Bull sa 82-79.
Sa unang laro, tinalo ng Talk ‘N Text ang Mahindra, 101-97.
“We’re not where we should be. We still have a long way to go,” sabi ni mentor Jong Uichico sa kanyang Tropang Texters.
Umiskor si point guard Jayson Castro ng siyam sa kanyang 28 points sa fourth quarter, habang nag-ambag sina rookies Moala Tautuaa at Troy Rosario ng tig-12 markers.
Talk ‘N Text 101 – Castro 28, Rosario 12, Tautuaa 12, Fonacier 11, Reyes 10, R. Reyes 10, Carey 6, Rosser 6, Miranda 3, Seigle 3, Aban 0, Rodriguez 0.
Mahindra 97 – Revilla 21, Guinto 17, Ramos 13, Jaime 12, Hubalde 8, Pinto 8, Canaleta 7, Bagatsing 5, Yee 4, Webb 2, Alvarez 0, Laure 0.
Quarterscores: 24-19; 47-53; 73-76; 101-97.
Barako Bull 82 – Intal 22, Garcia 16, Baracael 8, Lanete 8, Monfort 7, Caperal 6, Pennisi 6, Wilson 6, Miranda 2, Cruz 1, Sorongon 0, Urbiztondo 0.
Ginebra 79 – Slaughter 27, Tenorio 12, Ellis 9, Mercado 9, Aguilar 6, Caguioa 6, Devance 6, Marcelo 2, Salva 2, Brondial 0, Helterbrand 0, Thompson 0.
Quarterscores: 9-29; 36-43; 57-57; 82-79.
- Latest