^

PM Sports

Foton dinomina ang RC Cola-Air Force

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdomina ang Foton sa blocking, service at spiking departments para sa 25-14, 25-13, 26-16 win kontra sa RC Cola-Air Force na kanilang ikalawang panalo nila sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Sinandigan ng Tornadoes, may 2-3 kartada ang kanilang mga frontcourt attackers para ipalasap sa Raiders ang pang-apat nitong kabiguan sa inter-club tourney.

Tumapos si American reinforcement Lindsay Stalzer na may 15 points mula sa kanyang 13 kills, habang nagdagdag ng 14 markers si Jaja Santiago mula sa kanyang 9 hits, 3 aces at 2 blocks.

Sinamantala rin ng Foton ang 23 turnovers ng RC Cola-Air Force.

“Medyo pangit ang past two games namin. That’s why we all agreed that it’s about time for us to get our acts together and make a statement game,” sabi ni assistant coach Ian Fernandez, pansamantalang pumalit kay coach Villet Ponce-de Leon

Nabigo rin ang Raiders na makahugot ng magandang laro mula sa kanilang Puerto Rican import na si Lynda Morales.

Nagtala si Morales, isang aktibong miyembro ng Puerto Rican national team, ng 9 points mula sa kanyang 6 kills.

Nagdagdag naman sina American reinforcement Sara McClinton at Maika Ortiz ng tig-7 points para sa RC Cola-Air Force. ()

vuukle comment

COLA-AIR FORCE

FOTON

GRAND PRIX

IAN FERNANDEZ

JAJA SANTIAGO

LINDSAY STALZER

LYNDA MORALES

MAIKA ORTIZ

PHILIPPINE SUPERLIGA

PUERTO RICAN

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with