Dalembert, 3 pa ini-waive ng Dallas

Dalembert

DALLAS – Ini-waive ng Mavericks si center Sa-muel Dalembert at tatlong iba pa upang bawasan ang kanilang roster bilang paghahanda sa regular season.

Ang 34-gulang na si Dalembert, lumaro sa nakaraang  2013-14 season sa Mavericks  ay nagdesisyong bitawan siya bilang back-up ni Zaza Pachulia.

Nagdesisyon ang Dallas na i-trade si Pachulia matapos magbago ang isip ni DeAndre Jordan na maging free agent at nanatili na lang sa Los Angeles Clippers.

Si Dalembert ay may career averages na 7.7 points at 7.8 rebounds sa 13 seasons.

Ini-waive din ng Mave-ricks sina Brandon Ashley, Jamil Wilson at Tu Holloway nitong Sabado kaya isang player na lang ang kanilang sobra sa maximum na 15-man roster.

Show comments