Lady Maroons sinolo ang liderato sa V-League

MANILA, Philippines – Nagptuloy ang ma­gan­dang paglalaro ng mga baguhan para ibi­gay sa UP Lady Maroons ang ikalawang su­­­nod na panalo sa 25-20, 25-22, 27-25 kontra sa Coast Guard Lady Dol­phins sa Shakey’s V-League Season 12 Re­inforced Conference ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Maria Isabel Mol­de ay mayroong 11 kills at apat na aces, habang si Justine Dorog ay may 8 kills at 2 aces para pu­nuan ng dalawa ang pag­kakaroon ng tig-li­mang puntos ng mga be­teranang sina Nicole Tiamzon at Kathy Bersola.

Sa ikatlong set napa­laban nang husto ang La­dy Maroons pero nai­pakita nila ang laro ng isang beteranang ko­ponan para biguin ang Lady Dolphins na ma­katikim ng set win sa ikat­long laro sa ligang inor­ganisa ng Sports Vi­sion katuwang ang Sha­key’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang atake ni Samantha Dawson ang nagtulak sa Coast Guard sa set point, 24-23, ngunit hindi pumayag ang UP na matapos ang laro at bi­nutata ni Diana Mae Carlos si Hyrize Maca­buhay para sa 24-all.

Nagtabla ang dalawang koponan sa 25-25 bago pumasok ang down-the-line hit ni Molde, habang si Abegail Ponon ay ti­na­wagan ng two-touch para kunin ng UP ang ikalawang sunod na panalo.

Patuloy ang panga­ngapa ng La­dy Dolphins at si Rossan Fajardo lamang ang nasa double-digits para sa kanyang ko­ponan.

Tinalo ng UP ang Coast Guard sa lahat ng departamento.

 

Show comments