Odom nagkamalay na

LAS VEGAS — Nagkamalay na si dating NBA star forward Lamar Odom ilang araw matapos ma­tagpuang nasa kritikal na kondisyon sa isang ba­hay-aliwan sa Nevada.

Ito ang pinakahuling inihayag na kondisyon ni Odom makaraang matagpuang nakadapa at wa­lang malay sa Love Ranch sa Crystal, Nevada no­ong Martes.

Sinabi ni Alvina Alston, ang publicist para kay JaNean Mercer, ang maternal aunt at godmother ni Odom, na nagsalita ang dating NBA star at nagbigay ng thumbs-up.

“He woke up and he spoke,” sabi ni Alston.

Ayon sa report, kumuha si Odom ng dalawang ba­bae para samahan siya sa isang VIP suite sa una niyang pagbisita sa lugar.

Inamin ni Odom na gumamit siya ng cocaine bago siya dumating sa rancho kung san siya uminom ng alak at 10 supplements na sinasabing ‘her­bal Viagra’.

Nang matagpuan si Odom na wlang malay ay may nakitang dumadaloy na puti at pulang likido mula sa kanyang ilong at bibig.

Kaagad siyang dinala sa Sunrise Hospital and Me­dical Center sa Las Vegas.

Show comments