Mapua sa No. 3

LARO SA MARTES

(Mall of Asia Arena)

12 p.m. Mapua

vs Arellano (Jrs)

2 p.m. Letran vs Mapua (Srs)

4 p.m. San Beda

vs Jose Rizal (Srs)

 

MANILA, Philippines –  Tumapos si Isit na may 27 points, ang 16 dito ay kanyang iniskor sa first half para tulungan ang Mapua sa 81-76 panalo kontra sa Jose Rizal sa kanilang playoff sa No. 3 seat sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dahil sa panalo ay lala-banan ng No. 3 Cardinals ang No. 2 Letran Knights, samantalang haharapin ng No. 4 Heavy Bombers ang No. 1 San Beda Red Lions sa Final Four.

“I like our chances because of the way our team is playing right now,” sabi ng 5-foot-7 na si Isit, nagtala din ng 2 assists, 2 rebounds at 3 steals, sa kanilang pagsagupa sa Letran.

Bitbit ng five-peat champions na Red Lions at Knights ang ‘twice-to-beat’ advantage.

Matapos kunin ang 38-32 abante sa halftime at ang 56-54 bentahe sa third period ay nakalayo ang Mapua sa 67-60 sa 6:30 minuto ng fourth quarter mula sa dalawang free throws ni Justin Serrano.

Nagawang makadikit ng Jose Rizal, nagwakas ang six-game winning streak, sa 72-73 buhat sa tirada ni guard Tey Teodoro sa 1:58 minuto ng laro.

Huling nakalapit ang Heavy Bombers sa 74-76 kasunod ang tres ni Isit para muling ilayo ang Cardinals sa 79-74 sa natitirang 43.5 segundo.

Tuluyan nang sinelyuhan nina Isit at Darell Menina ang panalo ng Mapua nang isalpak ang tatlong free throws sa nalalabing 23.4 segundo para sa kanilang 81-74 kalama-ngan.

MAPUA 81 - Isit 27, Menina 16, Oraeme 11, Biteng 8, Nieles 8, Serrano 8, Nimes 3, Aguirre 0, Brana 0.

Jose Rizal 76 - Teodoro 16, Balagtas 12, Grospe 8, Poutuouchi 7, Estrella 7, Lasquety 6, Dela Paz 6, Dela Virgen 5, Cruz 3, Pontejos 2, Sanchez 2, Abdul Wahab 2.

Quarterscores: 19-16; 38-32; 56-54; 81-76.

Show comments