Odom ‘di maganda ang kondisyon matapos matagpuang walang malay
LAS VEGAS – Naospital si dating NBA at reality TV star Lamar Odom matapos makitang walang malay nitong Martes sa isang bahay-aliwan sa Nevada.
Ang 35-gulang na dating Los Angeles Laker at member-by-marriage ng Kardashian family ay ipinasok sa isang ospital sa Las Vegas nitong Martes ng gabi ngunit ‘di pa alam kung ano ang kanyang kondisyon.
Nakatanggap ng tawag ang Nye County She-riff Department ng alas- 3:15 ng hapon mula sa Love Ranch sa Crystal, Nevada, 70 miles mula sa Las Vegas ay may nag-report na may isang mama na walang malay at kailangan ng ambulansiya, ayon kay Sheriff Sharon A. Wehrly.
Binigyan ng first aide si Odom at dinala sa Desert View Hospital sa kalapit na Pahrump, ayon sa statement.
Ii-airlift sana ang 6’10 na si Odom para ilipat ng ospital sa Las Vegas ngunit hindi siya kumasya sa helicopter kaya ibiniyahe na lamang siya sakay ng ambulansiya patungong Sunrise Hospital and Medical Center.
Ayon kay Hof, may-ari ng Love Ranch at iba pang legal na bahay-aliwan sa Nevada, sinundo si Odom sa isang bahay sa Las Vegas noong Sabado.
May mga balitang brain-dead na si Odom at hindi maganda ang kanyang kondisyon. May ilang website din ang nag-ulat kagabi na yumao na ito nginit wala pang official announcement as of presstime.
- Latest