MANILA, Philippines – Kung walang magkakaroon ng injury ay posibleng muling mapabilang sa Gilas Pilipinas na kakampanya sa Olympic World Qualifier sina back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at Marcio Lassiter ng San Miguel, seven-foot center Greg Slaughter at point guard LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Rain or Shine sniper Jeff Chan.
Kahapon ay puma-yag ang PBA na ipahiram ang ilang players na hiniling ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para mapabilang sa national training pool.
Bukod kina Fajar-do, Lassiter, Slaughter, Tenorio at Chan, ang iba pang pinakawalan ng PBA sa Gilas Pilipinas ay sina Paul Lee ng Rain or Shine, Japeth Aguilar ng Ginebra, Ian Sangalang ng Star at Ryan Reyes ng Talk ‘N Text.
Makakasama nila sa training pool sina Marc Pingris ng Star, Ranidel De Ocampo, Jayson Castro, Matt Ganuelas-Rosser at rookie Troy Rosario ng Talk ‘N Text, Calvin Abueva ng Alaska, Gabe Norwood ng Rain or Shine at Terrence Romeo ng Globalport.
Ang mga bagong hugot ang papalit kina Asi Taulava ng NLEX, JC Intal ng Barako Bull, Gary David ng Meralco at sina Dondon Hontiveros at Sonny Thoss ng Alaska.
Si 6’7 Fil-Tongan rookie Moala Tautuaa ng Talk ‘N Text ay nagsilbi lamang na back-up ni naturalized player para kay Andray Blatche.
Ang kakulangan ng players ang sinasabing isa sa mga naging dahilan ng kabiguan ng Gilas Pilipinas sa China sa gold medal round ng nakaraang 2015 FIBA Asia Championships sa Changsha, China kung saan isang tiket lamang ang nakalaan para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
Maaari pang makapaglaro ang Nationals sa 2016 Rio Olympics kung magkakampeon sa lalahukang Olympic World Qualifier na nakatakda sa Hulyo 4-10, 2016 sa tatlong magkakaibang bansa na maglalaan ng tatlong silya para sa 2016 Rio Olympics.
Bilang pagsuporta sa paghahanda ng Gilas Pi-lipinas sa July 4-10 qualifiers ay magkakaroon ng break ang pro league matapos ang Commissioner’s Cup at sa simu-la ng Governors’ Cup.