^

PM Sports

Pacquiao sisilip sa World Boxing Championships

Pang-masa

DOHA, Qatar -- Sisilip si eight-division world champion Manny Pacquiao sa World Boxing Championships na nagsimula na nitong Lunes, ayon kay Dr. Ching-Kuo-Wu, presidente ng International Boxing Association (AIBA) sa pakikipagpulong nito sa National Federation heads mula sa 73 bansa sa Ezdan Hotel and Suites dito.

Sinabi ni Wu na ipinaabot niya ang kanyang imbitasyon kay Pacquiao kay ABAP executive director Ed Picson na personal na nagdala nito sa bahay ng Pambansang Kamao sa General Santos noong September.

“Manny was excited about the prospect of seeing the world’s best Olympic-style boxers in action and immediately expressed interest in attending,” sabi ni Picson.

Matapos i-check ni Pacquiao, naghayag na ng kanyang intensiyon na tumakbo bilang senador sa susunod na taon, ang kanyang schedule ay marami na siyang commitment sa October 6-15.

Nagkaroon ng puwang ang kanyang schedule sa Huwebes at nagdesisyon siyang tumuloy sa Doha.

“I really want to be there to see for myself the Olympic hopefuls from all over the world, but more importantly to give support to our two boxers compe-ting there-Rogen Ladon and Eumir Felix Marcial. It will also give me an opportunity to visit our 200,000 kababayans who work there”, sabi ng 36-gulang na congressman mula sa Sarangani Province.

Si Marcial ay mula sa Zamboanga City sa Min-danao kung saan galing si Pacquiao.

Sinabi ni Picson na maraming kinailangang gawin para maiayos ang biyahe ni Pacquiao dahil mayroon siyang commitment sa Makati bago siya umalis at may kailangan din siyang gawin sa Gen-San pagbalik niya.

Naayos lamang ang biyahe nitong Lunes ng gabi.

Darating si Pacquiao mula sa 13-oras na biyahe via Abu Dhabi  sa Huwebes ng umaga at babalik din ng Manila sa alas-4:00 ng umaga kinabukasan. Tatagal lang siya ng 20-oras sa Doha.

“It’s really a big sacrifice for the champ, but he told me he really wants to give support not only to our boxers but also to the 200,000 Filipinos who work here and who have been eagerly anticipating his visit,” sabi ni Picson, ang Philippine delegation head dito.

Ikinagalak ito ng presidente ng Qatari Olympic Committee na si Sheik Joaan bin Hamad bin Khalifa Al Thani, nakababatang kapatid ng  Emir of Qatar and International Olympic Committee member- Sheik Tamim bin Hamad Al Thani  na isang avid boxing fan lalo na ni Pacquiao.

ABU DHABI

ACIRC

DOHA

DR. CHING-KUO-WU

ED PICSON

EMIR OF QATAR AND INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

EZDAN HOTEL AND SUITES

GENERAL SANTOS

HAMAD AL THANI

PACQUIAO

PICSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with