LOS ANGELES – Humakot si center DeAndre Jordan ng 15 points at 12 rebounds para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 103-96 paggupo sa Denver Nuggets sa unang NBA preseason game.
Humugot si Jordan ng 12 points sa first half mula sa 5-for-6 fieldgoal shooting, kasama rito ang tatlong slam dunks.
Nag-ambag naman si Josh Smith ng 13 points at 8 rebounds, habang nagtala si point guard Chris Paul ng 12 points, 9 assists at 5 rebounds.
Ang bago naman nilang hugot na si Paul Pierce ay may 5 points para sa Clippers.
Diniskaril ng Clippers ang unang laro ni bagong coach Michael Malone para sa Nuggets.
Kumamada si Joffrey Lauvergne ng 16 points at 11 rebounds at nagdagdag si rookie Emmanuel Mudiay ng 14 points para sa Denver.
Susunod na lalabanan ng Clippers ay ang Toronto Raptors sa Vancouver, British Columbia sa Linggo at makakatapat ng Nuggets ang Mavericks sa Martes.