MVP nagbigay ng bonus sa mga players

CHANGSHA – May dagdag inspirasyon ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas mula sa cash incentives na bigay ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan dahil sa kanilang panalo laban sa Iran noong Lunes at kontra sa Lebanon nitong Huwebes.

Dumating dito bago ang Philippines-Lebanon game, nakipagkita si Pangilinan sa buong koponan bago ang laban.

 “Kita mo may rhythm na si coach Tab. Ayaw na namin istorbohin yon,” sabi ni Pangilinan. “Ang ginawa namin after the game sa dugout, we congratulated them at nagbigay ng konting bonus. Sa Iran game, sabi ko you deserved something at saka sa victory against Lebanon.”

Nais niyang bigyan ng pabuya ang mga players dahil pinasaya nila ang mga Filipino.

 “We’re very happy, we’re all happy, the nation is happy,” sabi pa ni Pangilinan. “But, on the other hand, we’re more nervous now as we’re in the medal round.”

Show comments