MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Philippine Sports Commission (PSC) na maipakita ang sports sa ibang sektor na puwedeng makatulong.
Ngayong umaga sa New World Hotel ay gagawin ang kauna-unahang Sports Industry Conference na paunang aktibades na magsisimula sa ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-2:30 ng hapon.
Sa gabi ay isasagawa ang Sports Industry Awards sa 10 individual categories at pinaglalabanan ng kabuuang 168 entries mula sa 10 bansa sa South East Asia.
Ang kambal na kaganapan ay inorganisa ng MMC Sportz at Sport360 at ito ay may basbas ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC).
Si Eric Cottschalk, CEO ng MMC Sportz, ang siyang maghahatid ng opening speech at si PSC chairman Ricardo Garcia ang tinokahan sa welcome speech.
Ang PSC rin ang magpapaliwanag hinggil sa sports landscape ng bansa at pag-uusapan dito ang mga nangyayari sa palakasan ng bansa at ang planong hosting sa 2019 Southeast Asian Games.
“This is the first time that SPIA is holding the event in the Philippines and this will help elevate the awareness in the sports industry and recognize their contributions to the deve-lopment of sports,” wika ni PSC executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.
Kasama naman sa nakikipagtagisan para sa mga awards na ipamamahagi ay ang Gilas FIBA World Cup ng Smart Communication para sa Best Sports Marketing Campaign.
Ang iba pang awards na ipamimigay ay sa larangan ng Sports and Recreation Facility of the Year, Best Use of Social Media in Sport, Best Sports Youth Program at iba pa.