MANILA, Philippines – Mag-aalaga na rin ng sariling atleta ang Philippine Olympic Committee (POC) para magkaroon ng mara-ming bilang ng atleta na puwedeng pagpilian sa mga susunod na malalaking torneo na sasalihan ng Pilipinas.
Agad na sinabi ni POC president Jose Cojuangco Jr. na hindi ito bawal dahil ang trabaho ng National Olympic Committee (NOC) ay pangalagaan ang pa-lakasan ng isang bansa.
“The POC now will recruit potential athletes for future international tournaments that we knew by now. Its very clear that preparing few month before a tournament is not helping because there are a lot of things being neglected,” wika ni Cojuangco na pinamunuan ang POC General Assembly sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.
Galing si Cojuangco sa Olympic Council of Asia (OCA) meeting kamakailan at alam na ng mga kasa-ping bansa ang mga kompetisyon na gagawin mula 2016 hanggang 2017.
Kikilos ang POC dahil plano na rin ng Philippine Sports Commission (PSC) na magbawas ng atletang sinusuportahan at tatanggalin na ang mga manlala-rong hindi nakakapaghatid ng karangalan sa bansa sa mga nilalahukang torneo tulad ng South East Asian Games (SEAG).
“Ang mga matatanggal diyan ay mga batang atleta na may potensiyal kaya naisipan ko na gawin ito,” paliwanag pa ni Cojuangco.
Hindi naman sapilitan ito at ang mga may gusto ay kailangang pumirma ng kontrata para matiyak na susunod sila sa mga alituntunin na ipaiiral dito.
Ang mga atletang kabilang na sa priority list ng PSC o military athletes ay hindi na rin ibibilang upang mas malawak ang sakop ng mga atleta na may suporta para maisakatuparan ang pagkinang uli ng Pilipinas sa palakasan. (AT)