Warriors naunahan ang Lakers kay Nash

LOS ANGELES -- Siya ang nagsanay kay Fil-American guard Jordan Clarkson at gusto ng Lakers na ipagpatuloy ni Steve Nash ang kan­yang pagtuturo sa ka­nilang backcourt.

Ngunit tinanggap na ng two-time NBA Most Valuable Player ang alok ng Golden State War­riors.

Ang 41-anyos na si Nash, naglaro para sa Phoenix Suns, Dallas Mavericks at LA La­kers, ang magiging part-time player deve­lopment consultant at oc­casional tutor sa mga Gol­­den State guards.

Sinabi ng Lakers na ito rin ang una nilang inialok kay Nash bago siya lapitan ng Warriors.

Ngunit sinabi ni Nash na nauna ang Warriors na hilingin ang kan­yang serbisyo.

Napaulat na sinamahan ni Nash si Clarkson sa training at inaasahan ding susunod si No. 2 pick D’Angelo Russell.

Nakatrabaho na nina Warriors head coach Steve Kerr at Warriors pla­yer development coach Bruce Fraser si Nash.

Sa New York, plano naman ni Phil Jackson na samahan nang matagal ang Knicks coaching staff ngayong season mu­la na rin sa kahilingan ni coach Derek Fisher.

Sinabi ni Jackson na minarapat niyang big­yan ng panahon si Fi­sher sa kanyang trabaho no­ong na­karaang sea­son.

“I thought maybe I stepped back too far last year,’’ sabi ni Jackson kay Fisher.

 

Show comments