Sasagupain ang Iranians ngayon: Nationals dinaig ang Japanese team

CHANGSHA, China -- Nalampasan ng Gilas Pilipinas ang pagkakaroon ng ankle injury ni naturalized player Andray Blatche sa third period p­ara talunin ang Japan, 73-66, sa pagsisimula ng se­cond round ng 2015 FIBA Asia Championship kagabi dito sa Changsha Social Work College Gymnasium.

Tinulungan ng 6-foot-10 na si Blatche ang Nationals na makabangon mu­la sa 19-29 pagkaka­iwan sa Japanese para ku­nin ang kanilang pa­ngatlong sunod na panalo.

Nagkaroon ng ankle injury si Blatche nang su­wagin ang depensa ng Japan sa ilalim ng walong minuto sa third quarter.

Sa kabila nito ay nag­laro pa rin si Blatche at tumapos na may 18 points.

Nagdagdag si Ranidel De Ocampo ng 13 mar­kers kasunod ang tig-12 nina Jayson Castro at Terrence Romeo at 10 ni Calvin Abueva.

Mula sa 10-point deficit ay nagbida sina Castro at Romeo para ibigay sa Gilas Pilipinas ang 35-33 abante.

Tumipa si Makoto Hie­­jima ng 17 points sa pa­nig ng Japan.

Ang Top Four sa Group E ang aabante sa quarterterfinals kalaban ang Top Four mula sa Group F na binubuo ng Chi­na, Qatar, South Korea, Lebanon, Qatar at Ka­zakhstan.

Samantala, lalabanan ng Gilas Pilipinas ang nagdedepensang Iran nga­yong alas-11:45 ng tanghali kung saan inaasahang magtatapat sa shaded lane sina Blatche at 7’2 giant Ha­med Haddadi.

Huling nanalo ang Gilas Pilipinas sa Iran noong 2012 Jones Cup bago ru­mesbak ang Iranians sa FIBA Asia Cup sa Tokyo.

Noong 2015 Jones Cup ay dinaig ng Iran ang Gilas Pilipinas, 74-65.

Inilampaso ng mga Ira­nians, naghari sa tatlo sa huling apat na edisyon ng biennial Asian meet, ang Hong Kong, 111-56, sa pagsisimula ng second round.

Ang Iran ang pi­na­ka­impresibong kopo­nan sa torneo mula sa ka­nilang 86-48 panalo sa Japan; 88-66 pagdurog sa India; at 122-42 paglampaso sa Malaysia sa first round.

Si power forward Mo­hammad Saberi ang lea­ding performer ng Iran sa first round sa kanyang 19.7 points, 10.3 rebounds at 2.0 steals per game averages katuwang sina Haddadi, Nikkhah Bah­rami, Mahdi Kamrani at Asghar Kardoust.

Hangad ng Iran ang au­tomatic playoff top seeding mula sa Group E.

Samantala, tinalo naman ng India ang Palestine, 73-70.

Kumamada si 6’8 forward Amjyot Singh ng 32 points at 11 rebounds para sa panalo ng mga Indians.

 

Show comments